The Heart Behind
Our Brand
Jenmarc Family's Story
We started Jenmarc’s Seafood with a simple goal, to serve seafood that’s fresh, flavorful, and kayang ma-enjoy ng lahat. Hindi naman kami nagsimula ng malaki. Gusto lang talaga namin magluto ng masarap at magbigay ng pagkain na sulit at nakakabusog.
Habang tumatagal, mas dumami yung bumabalik at sumusuporta. May mga dinadayo pa kami, and doon namin nakita na hindi lang pagkain ang hinahanap ng mga tao. Gusto nila yung experience na sama sama, makalat, masaya, at busog.
Hanggang ngayon, ganun pa rin ang ginagawa namin. Simple lang, magserve ng masarap na seafood, generous ang serving, at siguraduhin na every time na kakain ka dito, sulit at worth it.